SASALA ANG sandok sa palayok kung hindi mo alam ang lyrics ng kantang “Bulaklak” ng sikat na grupong Viva Hotbabes; o kung hindi man, tiyak na may isa kang anak na magaling mag-”Ocho-ocho” samantalang ang isa mo namang anak ay magaling na mag-spaghetti at nais nang maging isa sa mga Sex Bomb Dancers o kaya Sex Bomb Singers na pinangungunahan ni Rochelle (Pangilinan) at mga kasama nitong sina Jopay, atbp.
Wednesday, August 25, 2010
Kuwintas ng mga Salita: Isang sulyap sa sining ng tula
Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children…
- Ho Chi Minh[1]
BUNGAD-SABI. Minsan, nasabi ng isang batang makata na ibig niyang maniwalang ang tula ay hindi para sa nakararami, alalalong baga ay para sa malawak na masang sambayanan, dahil sa tayog ng diwang bitbit ng pinagkabit-kabit na salita na iniayos sa mga taludtod at saknong.
Marahil, totoo ito sa isang banda, sapagkat nakararaming Pilipino pa rin ang salat na salat sa kaalamang pang-akademya bunga na rin ng kawalang kakayahang makatuntong man lamang, o makatapos ng haiskul.[2]
Subscribe to:
Posts (Atom)